Ang Oros, na ang ibig sabihin ay gold coin ni Direk Paul Sta. Ana ay tungkol sa dalawang magkapatid na ang pangunahing ikinabubuhay ay ang pagsa-sakla o illegal gambling tuwing may burol. Bagama't Sakla ang pinaka focus na social issue na nais ipakita ng pelikulang ito, marami akong nakita na isyu na makikita rin sa reyalidad ng buhay. Ang sakla ay madalas nagaganap sa mga squatters area kung saan alam naman natin na puro mahihirap ang naninirahan. KAHIRAPAN ang nagtulak sa mga tao para sumugal sa ganitong klaseng gawain. Konting ingat lang naman ang gagawin mo, kikita ka na ng pera.
Sa sobrang pagiging desperado,minsan kahit sa burol ng mismong sariling kamag-anak, gagawin parin nila ito dahil saan naman sila kukuha ng pagkain sa araw-araw, pang aral sa mga anak nila, pambili ng gamot sa mga kapamilya nilang may sakit? Nangyayari talaga yang mga bagay na yan, kaya hindi rin siguro masisi kung bakit ginagawa ng mga tao ang mga bagay na labag na minsan sa kanilang kalooban.
No comments:
Post a Comment