Ang Sta. Nina ni Emmanuel Quindo ay pinagbibidahan ng ilan sa mga kilalang personalidad at artista sa showbiz ngayon. Hindi maikakaila ang kasabikan ng ilan sa palabas na ito dahil sa trailer pa lang, pasok na. Nang aking mapanood ang pelikulang ito, hinahanda ko na ang sarili ko dahil alam ko na maganda ito. Bagama't medyo nakulangan ako at ang ilan sa storya ng Sta. Nina, hindi naman ako nagkamali. Napakahusay ng mga gumanap, ang mga shots ay magaganda rin. Maganda rin ang mga linyang binitawan ng mga gumanap. Pero ano nga ba talaga ang mensahe ng Sta. Nina?
Courtesy of: http://www.cinemalaya.org/images/films/2012/sta-nina-still-3-big.jpg |
Nang aking balikan ang mga linya at eksena sa pelikulang ito, narealize ko na pasok na pasok sa mga Pilipino ang kwento nito. Para sa mga katoliko, napakahalaga ng mga imahe o rebulto lalung-lalo na kapag and bagay na ito na akala nila ay sagrado, ay gumagawa ng milagro. Minsan nagkakataon lang, minsan naman ay nagiging instrumento ang mga imahe o rebultong ito para tugunin ang mga hiling ng tao. Nirerespeto ko ang pananalig ng ibang tao sa mga bagay na ito, ngunit minsan, nagiging dyus-dyusan na natin ang mga imaheng ito na maaari namang, daretso na tayong manalangin sa Panginoon. Mahirap magsalita ng mga bagay dahil talagang ayun ang nakasanayan ng marami sa atin, lalo na dito sa Pilipinas.
Ang Diyos ay tapat sa kanyang mga pangako. Ang pagkamatay niya sa Krus ng Kalbaryo ay isa ng patunay na tayo ay magaling na. Ang nais niya lang na ating gawin ay manumbalik sa kanya at tanggapin siya bilang sarili nating Panginoon at tagapagligtas. Ang iyong pananalig kay Hesukristo ang maaaring makapagligtas sa atin at sa lahat ng gawa ng kaaway. Manalig tayo ng buong puso sa kanya, wag sana tayong malihis dahil sa mga maling paniniwala.
No comments:
Post a Comment