Hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon na nakasama ako sa lugar na ito. Ang munting paraiso sa Mindanao na hindi lahat ng Pilipino ay alam na mag ganito pala sa Pilipinas. Kasama ng 20 na propesor at ilang madre, isa ako sa dalawang estudyanteng nabigyan ng pagkakataong makasama sa Marihatag, Surigao del Sur.
Nagtatanong rin ako nung una kung bakit ako at ano ba ang dahilan ni Lord kung bakit ako nakasama sa trip na ito. Nalaman ko ang sagot nung umakyat na kami sa Han- Ayan kung saan nakita ko ang katayuan at sitwasyon ng buhay ng mga naninirahan doon. Mahirap ang buhay ng mga tao dun. Mahirap hindi dahil wala silang makain. Mahirap dahil hindi nila alam kung alam pa ba ng gobyerno natin na nage-exist pa sila. Ito ang isa sa mga lugar dito sa Pilipinas na kailangan maabot ng tulong at bigyang pansin dahil kung hindi tuluyan silang maghihirap.
Pacific Ocean
Kasama si Mayor (Marihatag)
Habang nakasakay sa truck. Ang una naming punta sa Han- Ayan
Habal- habal (Ang aming sinakyan pagakyat ng Han- Ayan)
Pagsasadula ng kanilang tribo noong unang panahon.
Napakarami kong natutunan sa apat na araw na nanatili kami sa Surigao Del Sur. Ang dami kong "first time" na naranasan.
1. First time kong pumunta ng Surigao Del Sur
2. First time kong makita ang Pacific Ocean.
3. First time kong sumakay sa ibabaw ng truck.
4. First time kong nakakakita ng mga Militar sa bundok.
5. First time kong naranasan na harangin ng mga Militar para sa check point.
6. First time kong sumakay sa habal- habal papuntang Han- Ayan.
Hindi ko man mabanggit lahat, isang bagay lang ang gusto kong ibahagi sa mga taong nagbabasa nito ngayon. Pag may dumating na oportunidad sa inyo na tumulong, wag kayong magalinlangan hangga't maaari. Napakasarap tumulong sa kapwa lalung- lalo na kung yung ikaw ang magiging dahilan ng ngiti ng mga tinutulungan mo.
No comments:
Post a Comment