11.28.2011

Bawat Bata May Tanong (Educational TV shows)

Tandang- tanda ko pa noong nasa elementarya ako. Nasasabik ako laging umuwi ng maaga para masubaybayan  at mapanood ang mga palabas na pambata na talaga namang kapupulutan ng mga aral. Naaalala ko pa na kapag pang hapon ako, e napapanood ko sa umaga yung Sineskwela, Epol Apol at Matinik.
Kung tungkol sa Siyensiya at Agham ang pagguusapan, nangunguna ang Sineskwela sa mga palabas na pambata. Tinuruan ako ng Sineskwela na alagaan at pahalagahan ang aking kapiligiran. Kung paano lilinisin ang mga kanal at pwedeng pamahayan ng mga lamok na magdudulot ng dengue at marami pang iba. Hinding- hindi ko rin makakalimutan ang "theme song" ng palabas na ito, "Bawat bata may tanong.. bakit ganyan? ba't ganun?". Marahil marami pa ding mga 90s babies ang nakakalaam ng kantang ito. Si Atom at Ate Tin ang dalawa sa pinaka inaabangan ko sa palabas na ito dahil bukod sa angkin nilang galing sa pagpapaliwag ng mga bagay- bagay, nagsisilbing modelo rin sila sa maraming batang nanonood. 


Kung English naman ang paguusapan, ito ang aking pinapanood noon. Ang Epol Apple ang nagturo sakin kung paano magbigkas ng mga salita sa wikang Ingles at mas-spell ng mga salita. Ang palabas na ito ay may tinatawag na "interaction with their audience". Para bang kausap talaga nila ang mga batang manonood kaya naman inaabanga ko rin ang palabas na ito. 

At kung sa Math naman ay narito ang Mathinik. Naku medyo mahina ako sa math kaya naman palagi ko itong sinusubaybayan. =)

Kapag pangumaga naman ang klase ko, sa umaga ay napapanood ko ang Wansapanataym at Hiraya Manawari. Ito ang mga palabas na ilipat man ng araw ay inaabangan parin ng mga bata. At hindi lamang mga bata kundi buong pamilya. Marahil ay marami ng nakapanood ng palabas na ito dahil sa kahusayan nito sa lahat ng elementong ginamit nito sa paggawa ng isang palabas. Mapa-costume, sound effects, yung mga artista at mga props na ginamit ay kaakit- akit sa mga manonood. At syempre yung mga aral na naipapamahagi nito sa mga manonood. Kapag Sabado naman ay nariyan ang Pahina na pinagbibidahan ni Carlo Aquino at Bayani. Ito yung mga panahon na talaga namang napakataas ng ratings ng ABS- CBN dahil sa mga palabas na ito. 

Ito na siguro ang "All- time- favorite" na lahat ng mga bata. Hindi lamang pamabata kundi pang buong pamilya. Mga kwentong nangyayari sa totoong buhay kaya naman talagang kaabang- abang. Ang Wansapanataym ay humakot na rin ng maraming parangal dahil sa mga kwentong puno ng aral. 

Ang Hiraya Manawawi ay puno rin ng mga simpleng aral na dapat matutunan ng mga bata. Makukuha talaga nito ang atensyon ng mga bata na nanonood dahil sa mga makukulay na kasuotan at lugar na ginagamit nila. Ang palabas na ito rin ang nagdala sakin sa ibang mundo kung saan makikita ko kung paano mamuhay ang ibang nilalang dito sa mundo. 

Kung tinatamad kang mag aral ng Philippine History, ito ang bagay sayo. Mula pa lang sa pamagat nitong palabas na ito, alam na natin kung tungkol saan ito. Tungkol sa buhay ng mga bayani natin. Ang mga taong nagbuwis ng kanilang buhay para sa bayan. Yung mga aakalain mong konti lang ang naging papel sa kasaysayan ng Pilipinas ay malaki pala ang naitulong para ipagtanggol ang bayan laban sa mga mananakop. Napakagandang balikan ang buhay ng ating mga bayani kaya naman puno ng inspirasyon at aral rin ang nakuha ko sa palabas na ito. 

Pahina ako'y iyong dalhin sa lahat ng sulok ng daigdig. Galing mismo sa "theme song" ng palabas na ito, ang Pahina ay puno ng kwento na marahil ay nararanasan ng isang bata. Magical ang palabas na ito at kung saan ka man dalhin na lugar ay tiyak may matututunan kang mahalagang aral. 

Nakakatuwang balikan ang mga kwento ng mga palabas na ito. Sayang nga at napaltan na ito ng mga palabas na pang aliw lamang. Kaya naman karamihan sa mga kabataan ngayon puro paglalaro na lang mga makabagong kagamitan ang alam. Napakalaki kasi ng impluwensya ng telebisyon kaya naman kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon na maibalik lahat ng mga palabas na ito na kapupulutan ng aral at magagandang asal, marahil ay lalaki ang bata na hindi mangmang at may respeto sa kapwa.  

2 comments:

  1. "•Ito ang inyong pinakahihintay ang Sabongking.com. Mag deposito lang Php2000. Larga na. Pustahan na.
    •Laro ng mga tunay na maginoo. Dito patas ang laban. Sabongking.com, Kasado na yan. Pustahan na.
    •Kalidad na mga sultada. Manilaw na mapapanood. Saksihan ang mga makapigil hininga na sultada dito sa Sabongking.com
    •Ang tunay na sabungero hindi lang nanonood, Ito ay pumupusta.

    "

    ReplyDelete
  2. now and then they are not going on here

    ReplyDelete