Right Lane by Jojo Armenta
Maraming nagsasabi na kasalanan daw ng driver ng bus na Partas ang dahilan kung bakit namatay ang binatang aktor na si AJ Perez. Nagkaroon ng 30- day suspension ang Partas Bus Liner at kinasuhan ang driver ng bus na si Julie Brillantes ng reckless imprudence resulting in homicide and damage to property dahil sa mabilis daw ito magpatakbo, kaya naman pag over- take ng service vehicle ng ABS- CBN ay matindi itong bumangga sa Partas.
Maraming nagsasabi na kasalanan daw ng driver ng bus na Partas ang dahilan kung bakit namatay ang binatang aktor na si AJ Perez. Nagkaroon ng 30- day suspension ang Partas Bus Liner at kinasuhan ang driver ng bus na si Julie Brillantes ng reckless imprudence resulting in homicide and damage to property dahil sa mabilis daw ito magpatakbo, kaya naman pag over- take ng service vehicle ng ABS- CBN ay matindi itong bumangga sa Partas.
Hindi naging madali para sa pamilya Perez at sa mga nagmamahal kay AJ ang nangyaring aksidente noong April 17, 2011. Napakasaklap na sa car accident pa nabawian ng buhay si AJ Perez. Sino nga ba talaga ang may kasalanan? Sino nga ba talaga ang dapat sisihin? Kung tutuusin pareho lang may kasalanan, ang bus driver at ang driver ng van na kung saan nakasakay si AJ dahil pareho silang matulin magpatakbo.
Alam naman nating lahat na hari ng daan ang mga bus papuntang Norte kapag gabi dahil sa maunti lang ang mga sasakyang dumadaan sa highway. Mabibilis talaga ang mga byahe pag gabi lalo na pag madaling araw kaya hindi ka na magtataka kung bakit maraming pasahero ang mas pipiliing magbyahe ng mga ganung oras papuntang Norte. Balik tayo sa ating pinaguusapan, sino nga ba talaga ang dapat sisihin?
Ayon sa imbestigasyon, nag overtake ang van na sinasakyan nina AJ ngunit nahagip ito ng Partas. Ang masaklap pa doon sa hulihang bahagi tinamaan ang van kung saan naman nakaupo si AJ kaya siya ang pinaka napuruhan. Kung iisipin natin, two lane lang ang daan. Isa papuntang Norte kung saan nasa lane na yun ang bus na Partas at ang South Lane kung nasaan ang van na sinasakyan nina AJ. Ayon sa Twitter ni Ogie Diaz, dalawang beses ng sinabihan ni Daddy Gerry, ang ang ama ni AJ, na dahan- dahan lang sa pagmamaneho kasi nga gabi na at delekado. Pero hindi nakinig ang driver ng van hanggang sa nakatulog na ang lahat ng nakasakay sa van.
Kung isa kang magaling na driver alam mo na hindi dapat basta- basta ikaw mag overtake kung may sasakyan na sasalubong sayo. Pero kung napakabilis mong magpatakbo, hindi mo na maiisip kung may makakasalubong kang sasakyan. Sa madaling salita, napakabilis din ng takbo ng driver ng van ng ABS-CBN. Pero bakit driver lang ng bus ang nakasuhan ng reckless driving? Hindi ba unfair yun kasi ang driver ng bus nasa tamang lane siya, papuntang North kasi patungo doon ang byahe niya, e ang driver ng van?
Masakit talaga para sa pamilya ni AJ ang nangyari pero masakit din para sa bus driver ang makasuhan sa salang hindi naman niya sinasadya na kung tutuusin nasa tama pa siyang linya noong mangyari ang aksidente. Alam natin na iba kapag namatayan ka, pero sana maisip ng mga hahatol sa kasong ito na pwede ring mamatay sa gutom ang pamilya ni Julie Brillantes dahil sa nawalan siya ng trabaho. Ngayon, nasa hustisya na natin ang desisyon kung dapat ba talagang parusa ang dapat ibigay sa mga nagkasala.
No comments:
Post a Comment